Bawal Umehi sa pader!! Putol $%?!!!

Your awesome Tagline

Posts tagged bands

1 note

Banda dito..Banda doon…

Habang nakkikinig ako ng mga kanta ng imago at avril lavigne kanina nagflashback sakin mga nasalihan kong banda noong kabataan ko pa(kala mo napakatanda na talaga noh?)LOL. Anyway eto ang dalawang banda ko noon.

Untitled Band

Ala talagang name yung banda namin nung highschool. Vocals ako nun.HAHAHAHAHAHA…Siguro no choice lang mga kabandmates ko kaya ako kinuha at napilitan lang sila tumugtog para sa JS Prom namin. Bali kinover namin yung “Skater Boy” nun ni Avril Lavigne with matching get up pa ako nun nang white razor back sando,necktie, pedal at chucks! Avid fan ako ni Avril talaga dati bago dumating ang Paramore. Epic fail ang performance dahil sa kalagitnaan ng song eh nabitawan ng drummer namin yung drum stick nya at humampas sa mata niya. Pero ako tuloy tuloy sa pagwawala kahit alang accompaniment na drums. (Alang basagan ng trip!)

Band-Aid

Band-Aid naman name ng banda ko nung college. Band-aid kasi mga nursing student pa kami nun. From MYDP(Make Your Dean Proud) to Band-Aid ang name namin. Second vocals at bassist naman ako nun. (Technically rhythms dati hawak ko eh ala kami makitang bassist kaya tinuruan nila ako.) Ayon epic fail yung unang gig namin. Nagpakahirap kami magpractice nun para sa graduation ball namin pero nacut off short ang ball kaya yun di kami nakatugtog.Tae! Ang mahal kaya ng rent ng studio sa mendiola! Palubag loob nandun ang Chicosci nun grad ball kaya sumaya ako konti. Eto dapat set lists namin noon:

1. Anino- si Mitch kakanta

2. Akap- ako kakanta

3. Prinsesa- si Floyd kakanta

Ayon malungkot sayang. Ganda pa naman sa rehearsal tapos ganon lang. Nagkaroon ng chance kami tumugtog nung Thanks Giving Ceremony after ng Board exam kinanta ko yung “My Hero” ng Paramore at si Floyd naman eh “Ikaw lamang” ng Silent Sanctuary with matching violins pa yun ah! Ayon ngayon nakatutunganga ako kasi namimiss ko magkabanda. Masaya lalo na pagkasundo mo mga kasama mo. Kaya favorite ko yung sinasabi ni Raimund Marasigan sa myx eh “Go out and form a band.” (Tama ba? Hehehe)

Filed under banda personal tagalog pinoy bands aysus